Tanggapin mo na ibat-iba ang trip ng tao.
Kung ang trip mo eh pansinin yung trip ng lahat ng tao, edi kakaibang trip ang meron ka. Badtrip ang tawag diyan, dyahe, atensyon ang habol mo, away, pagkayamot. Saan ka pinaglihi? Sa siling labuyo? Ang init ng pwet, mainit ang ulo, nakakainis, nakakayamot at lalo na sa lahat nakakaburyo.
Ewan ko bakit may mga tao talagang mahilig pakialaman ang isang taong masaya sa trip niya. Bat hindi na lang niya pabayaan na depende na sa nakasanayan niya ang mga bagay na ginagawa niya, kung lumaki at nasanay siya sa ganung komunidad eh bakit hindi na lang hayaan?
Sa tingin ko inggit ang trip ng mga taong yun eh, mga akala nila cool sila, pero hindi naman. Basta, badtrip yung nangengealam ng mga trip na yan.
Pagbigyan na sila, hindi nila alam ginagawa nila.



