Tracking Code Install theme

Eat my banana, it’s full of potassium

“Sir may SM Advantage Card po kayo?”
- SM Department store

“Sir may Suki Card po?”
- Mercury

“May Gold Card po kayo?”
- Puregold

“Saging po Sir?”
-7-eleven

(Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong problema ng saging ng 7 Eleven.)

Nasagot na ba ang tanong mo kung bakit “7 Eleven” ang tawag sa 7 Eleven?
Sa mga hindi pa nakakaalam 

ito ay dahil sa nagbubukas ito ng 7am at nagsasara ng 11pm July 11 (7-11) nagbukas ang kauna-unahang 7-Eleven. PERIOD.
Huwag mo ng itanong kung bakit Mini Stop ang tawag sa Mini Stop.

Ang 7-eleven ay isang makasaysayang lugar na hindi natin malilimutan habang tayo ay nabubuhay at katangi-tanging landmark nung mga panahong hindi pa gaano uso ang cellphone.

Define “7-eleven” - (Noun) Lugar, antayan ng mga estudyante kapag may practice ng intermission number o di kaya ay kapag may pupuntahang birthdayhan na kailangang magkikita muna. Pampalipas oras kapag umuulan. Tambayan ng mga magsyotang nagtitipid.
Bilihan ng yelo nga mga manginginom. Takbuhan nga mga taong lobat o empty bat ang phone. Puntahan ng mga Magnum lovers.
Ang convinient store na hindi nauubusan ng mga palaro at promo. Yung tipong kailangan mo makakaubos ka ng isang libong piso para manalo ka ng isang Del Monte Pineapple Juice at bago ka makakuha ng winning patterns ay may panibago na ulet silang promo. - “Scratch Me If Me You Can” promo (Hindi ko alam kung totoo ba yung mga promo nila o sadyang malas lang talaga ko sa mga ganun.)
———————————————————————— 

Madalas akong bumili ng Bola Bola siopao sa kanila. Siguro sa dalas ng pagbili ko ng ganun ay naalala na ko ng kahera at sa tuwing papasok ako imbes na “Welcome Sir” ang marinig ko ay, “Sir Bolabola?”  

AKO: Isa nga pong Hotta Rice yung Chili Con Carne

Kahera: Sir may Siopao bola bola kami, ayaw niyo na po ng siopao? Mag-siopao na kayo.

AKO: Bakit ka ba nakikialam eh mas gusto ko yung kaiinin ang Chili Con ngayon eh, Para kang mga politikong nakasabit ang mga larawan sa kalye kahit di pa naman campaign period… EPAL!  Ok na po yan

Kahera: Wala na po sir?

AKO: Muka bang meron pa? May nakita ka pa bang dala ko? Ito bulsa ko o wala na, baka gusto mo pang tignan yung bag ko, iniisip mo ata nagnenok ako ng mga paninda niyo. Hiyang hiya naman ako senyo nuh!   Wala na po

Kahera: Sir baka may idagdag pa kayo.

AKO: Pag-ibig na wagas meron ba kayo nun? kung meron pakyawin ko na Wala na po

Kahera: Saging sir?

AKO: !@#$%^

See more
This post has 71 notes
Posted at 9:15 PM 06 November 2012
  1. candysucker reblogged this from chunkybuyoy
  2. 123shan reblogged this from chunkybuyoy
  3. chunkybuyoy reblogged this from chunkybuyoy and added:
    “Sir may SM Advantage Card po kayo?” - SM Department store “Sir may Suki Card po?” - Mercury “May Gold Card po kayo?” -...
  4. siopaonamahiligsahopia reblogged this from chunkybuyoy
  5. anecdotesofmylife said: "Saging po, sir?" - Tangina that! Lol!
  6. owliveremo reblogged this from coloroceanparadise and added:
    This is so true!
  7. coloroceanparadise reblogged this from chunkybuyoy
  8. astrellaceleste said: tanginang saging ‘yan HAHAHAHAHA
  9. mariamansanas said: hahahaha!
  10. kyokyocrunch said: HAHAHAHAHAHAHAH :))) this made my night hahahaha
  11. porchipor said: Your stories never fail to make me laugh. Kahit nung naholdap ka. :)))
  12. litdev said: hahahaha. aliw talaga ikaw magsulat!
Bookmark and Share