Chicken pox day 4
Apat na araw nakong nakakulong sa kwarto ko
Nakahiwalay sa mga taong baka nga daw ay mahawaan ko..
Sa loob ng kwarto ay walang TV, walang WiFi, ano?
Doon PA Lang nakakaiyak na no? Walang makausap, walang makulit.
Iba Pala tlaga ang chickenpox pag matanda kana.. mas matindi ang atake..
Mas masakit pa ito sa tyempong yung daliri mo sa paa at sasabit sa mesa. Mga times 20 ganun
Paano ba naman lahat ng katawan ko masakit.
Mas makati pa siya grabe… mahihiya ang mga taga makati sa kati mo.. ay.. ng bulotong ko pala.
Hirap Neto.. di nawawala yung lagnat ko.. hot na nga ako may lagnat pa… redundant ha
Pero seryoso.. nakakapanghina.. in asthma nako dati.. naaksidente sa motor.. at nawalan ng isang libo..
WALANG BINATBAT lahat yun sa nararanasan ko ngayon sa chickenpox na ito
Sa mga batang nagkakaroon isang linggo Lang nagtatagal Pero sa adults nyeta 3 weeks.. nakakapanlumo ng betlog
Nung nag uumpisa PA Lang magsilabasan ang mga bilog na demonyo sa balat ko mangiyakngiyak nako…
“Wag sa mukha pls…. wag sa mukha……” yun kinabukasan parang may meeting ng bulutong sa mukha ko.. asar!
Tapos sa torso ko at likod kokonti Lang? Ano ba nmn yun? “Sana pinantay man Lang db?”
Kinabukasan yun pantay na… lahat marami na.. ye hey!! Leche!!!
Sensya wala akong magawa… tinawagan ko na lahat ng pwdeng tawagan.
Pati nga si 222 ng globe ay di na nagrereply sa kakulitan ko…
Magpapahinga na muna ako.. kati ng katawan ko ampota..
Kung lahat sana ng malalandi at nangangati ay magkakabulutong din panigurado akong di Lang ako ang may sakit ngayon



